mApApAlad ang mgA bAliw!!!

naKakainip man magHintay sa pagsisimula ng miSa ay marami pa rin namAn ang matiygAng naghintay sa lOob ng munting cHapel sa aming barriO.ngunit mapApansin mO ang ilan ay naghiHikab na at tUlad kO maraHil na minsa’y ang tingin sa misA ay isAng obligasyOn na kinatatamaran ang maAgang paggising (ah…isang hindi magandang palatAndAan na dapAt paglabanAn…at kamusta naman ang paligid?  ‘yOn abala ang mga bAta sa kanya-kanyAng iyak at taKbo habang di magKadaugaga ang mga magUlang sa pagsasaway…

nagsimUla na rin sa waKas ang misA…hindi napUno ang labas ng gatE…malamAng dahiL umaAbOn kaya marami na rin ang natamAd…o marahil di gAanong malakAs ang kalembAng… o maraHil may traBaho pa na kailangang tapUsin…o malamang na natUnUgan kung siNong pari ang magmimiSa…

bOring ata ang hOmily para sa ilan kaya di na magawang ibUka ang bibig sa pagtUgOn o pag-awit…o baka nga naMan kasi sintOnadO at ayaw maKatawag pAnsin…nakakaHiya nga nAman…ah…di nga ba at LentEn na? baKa itO ay baHagi ng paKikidaLamhati o pagninilay…o maraHil tuLad ko din na di na malaMan ang itUtugOn daHil sa ingay sa paligid at haLos di na maBasa ang nasa piSara sa laBo ng mata…ah ang mga daHilang di matawaRan…

perO nakaKamanghAng isipin na kaHit gaAno karami ng ating daHilan tUwing LinggO ‘di matatAwarAn ang daHilan ng aleng itO na naKatawag pAnsin sa akiN…

de-kolerete ang muKha at balot na balot ng balabaL…pAnay ang ngiti sa paligid niyAng semana santA na ang mga muKha…kakatwa talagA daHil panay ang kAnyang ngisi kahit walang nagsUsukli ng ngiti…

sa gitna ng offertOry sOng ay talagang tiNawag niya ng pAnsin ang laHat ng ayaW kuManta…

nangingibabaW ang tinig niyAng wAla sa nOtA…peRo patUloy sa pag-awit ng buOng galak…

natigiLan akO at napaisip…nakakatUwang isipin na maiitUturing siyang waLa sa matinOng pag-iisip gayOng kung sa tutuUsin ay siyA ay di minSan naKalimOt magbigAy pasasaLamat sa TaAs…saMantalang ang mga tUlad nating mAayOs pa na naKakapag-isip ay tiLa madaling maKalimOt na magpasaLamat at sa tUnay nA daHilan ng ating bawat pagHinga…

Bookmark and Share

Leave a Reply